- Hiwa at Hilom
-

astrangledheart
- May 2nd, 2009
Hiwa
May mga ilang salita
At mga ilang oras
Sa katahimikan
Na kumikilos
Bilang mga kutsilyo
Sa nipis at ginaw
Ng pagpahid ng talim
Sa balat,
Ang pagbuo ng sugat
At ang batis ng pula
Dahil bitbit
Ng salita at oras
Ang nipis at ginaw
At ang gulat
Sa sakit.
At hindi maiiwasang
Magtanong
Kung paano, ano, saan,
sino, bakit,
At kailan
Ang paghilom.
Wala lang. Ang boring sa bahay at napakalungkot ng kapaligiran kaya heto ang nabuo kung tula.
Pero salamat sa mga nagyaya sa akin lumabas para kumain at magrockband. Salamat lalung-lalo na kay Patty, na siyang pumaslang sa sakit na nararamdaman ko kanina (at si Patty na siyang malakas sa akin).
Ang Paghilom: Masasabi ko na, pagkatapos ng pagyaya at ang pagkausap kay Patty, tunay ngang napangiti ako.
Okay, tapos na ang araw ko. 11:42 na dito sa relos ko. Siguro, oras na para matulog. :)